Nang buhay pa ang aking lola madalas niya akong kausapin gamit ang mga malalalim na salita. Sa tuwing nag-uusap kami ng aking lola nahihirapan ako dahil ang mga ginagamit niya na salita ay hindi ko naiintindihan. Kapg tatanungin ko siya kung bakit ganoon ang ginagamit niya na salita ang kanyang sinasabi ay ganoon daw ang kanyang nakasanayan noong siya ay bata pa. May pagka-pormal ang kanyang pananalita siguro ang isa pang dahilan kung bakit ako nahihirapan sa pag-iintindi sakanya ay dahil may halong salitang pangalatok ang kanyang sinasabi. At dahil nga nasanay ako sa wikang filipino at hindi sa kanyang wika na pang pangasinan.
Sa dami ng mga wika na ating ginagamit halos hindi na magka-intindihan ang mga tao. Kaya ganoon kaimportante ang ating wika dahil ito ang nagbubuklod sa atin. Wikang Filipino ang alam ng nakakarami kaya dapat mas lalo natin itong pagyamanin. Mas lalo na ngayon na sabi nila ay ingles ang dapat natin ginagamit na wika ngunit hindi naman lahat ay marunong nito. Kung mga wika pa nga lang dito sa Filipinas ay hindi na maintindihan ano pa kaya ang paggamit sa wikang ingles na hindi alam ng nakakarami?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento