Martes, Oktubre 9, 2012

HAPPYLAND



 



Ang HappyLand ay mula sa direksyon ni Jim Libiran. “HappyLand” ay nakuha nila sa visayan na salita “hapilan” na ang ibig sabihin ay “garbage dump”.Ang palabas ay tungkol sa mga kabataan sa Tondo na mga kapos palad na natutong magnakaw, mag droga(rugby). Para saken ang palabas na ito ay may mga gustong ipahayag. Una, ang larong football ay hindi lamang larong mayaman. Maganda ang pagbibigay diin nila dito dahil naipapakita nila na ang larong football ay pwede sa lahat na kahit mayaman o mahirap ka pa. Kahit sa bakanteng lote o sa football field pa yan basta gusto mo magagawa mong laruin ang football.

Pangalawa, Ang mga buhay nang mga manlalaro ay totoo. Ang mga problema na kinakaharap nila tulad ng pagnanakaw, pagdrodroga, kapos sa pera para makapag-aral ng kolehiyo ay mga tunay na nangyare buhay. Na kahit konting gamot lang ay hindi sila makabili. Katulad ng kay Ramil na kelangan niyang magnakaw para matulungan ang kanyang tatay. Pinapikata ni Jim Libiran na ang paglalaro ng football ay matutulungan ka para maging masipag, matapang at pursigido sa buhay. Dahil kapag meron ka nang mga katangian na iyon ay may mararating ka buhay. Na kaya mong baguhin ang iyon buhay para ikaw ay umunlad.



Ang aking paboritong eksena sa HappyLand ay nung naglaban laban na ang grupo nila Ishmael at Ramil. Dahil naipakita nila na kaya nilang gumawa ng mabuti, na kaya nilang magbago para sa kanilang kinabukasan. Medyo naguluhan lang ako sa istorya nang sa ibang grupo na naglaro si Ramil. Pero sa kabuuan naman ng palabas ay maayos nilang naipahayag ang kuwento.

Sa usaping tekstwal naman tulad nang ilaw, tunog at iba pa ay maayos din naman na kung iisipin mo ay isa itong “indie film” . Medyo nagkaroon lamang ito nang problema sa camera dahil may mga eksena na medyo malabo ang pagkukuha sa eksena.  Pero dahil sa magandang istorya nito,  hindi mo na din mapapansin ang konting kamalian.



Ang Panahon ng APO...Dulang pampelikula:I DO BIDOO BIDOO



                      Ang pelikulang I Do Bidoo Bidoo ay tungkol sa isang binata na nabuntis ang kanyang kasintahan na pareho pang wala sa tamang edad. Dahil sa pangayayaring ito ay parehong tutol ang kani-kanilang pamilya.

                 Sa aking palagay ay ang pelikulang ito ay may magandang diyalogo. Bakit? Dahil sa istorya ng pelikula ay makakarelate ang mga manonood. Ginawa nila ang diyalogo base sa nararanasan ng bawat normal na tao.

                  Katulad na lang sa sentro ng pelikula tungkol sa magkasintahan na nagkaroon ng problema dahil sa hindi magandang pangyayari at yun nga ay nung nabuntis ang dalaga. Sa panahon ngayon ay madami ang maagang nabubuntis. At isa sa nagiging problema dito ay kung paano nila ito mareresolba.

                Pinakita sa pelikula ang ilang mga problema na talagang nangyayare sa totoong buhay. Ang una nga ay kung paano mo mabubuhay ang iyong magiging pamilya kung pareho kayo na wala pa sa tamang edad at nag-aaral pa lamang. Ito ang unang nangyayare sa mga nakakaranas ng ganitong problema na naipakita naman ng maayos sa pelikula.

              Ang sunod ay kung tama ba na ang kasal ang maging susi sa ganitong problema. Na-ipakita sa pelikula kung gaano kahirap ang pag-aasawa at kung gaano hindi kadali na bumuhay basta basta ng isang pamilya. Ang magandang naging diyalogo sa eksenang ito ay yung “hindi ito parang kanin na kapag napaso ay pwede mo na lang iluwa” na madalas natin naririnig kapag tayo ay pinangagaralan tungkol sa pag-aasawa.

               At ang huling papasok na problema ay kung mayroon kayong magkaibang estado sa buhay. Madalas nalang na sinasabi na hindi bagay ang mahirap sa mayaman. Pinakita sa pelikula na naging sanhi din ito ng problema. Ang naging dahilan kung bakit tutol ang pamilya nung babae ay dahil sa tingin nila ay hindi ito makakabuti para sakanya sapagkat sa palagay nila ay hindi siya kayang buhayin ng kanyang magiging asawa na hindi naman  ganoon  na nakagiginhawa sa buhay. Pero sa banadang huli ay pinakita nila hindi silang kanyang pigilan ng kung ano man. At yung nga ang madalas na magyari sa totoong buhay kahit ano pang pigil ng mga magulang basta ginusto ng kabataan ay gagawin nila ito kahit na sa isang malaking pagdedesisyon tulad ng kasal.

                      

                     




Bakit dapat ipasa ang RH bill?



             
                         Reproductive health and Population and Development Act of 2010 o mas kilala natin sa tawag na RH Bill. Ano ba ang ibig sabihin ng Reproductive health bill? Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo  para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap.

                  Ang RH bill ay tumutukoy din upang makapagbigay ng sapat na  impormasyon sa mga mag-asawa. Sa akin palagay ay dapat talaga itong mapasa dahil karamihan sa mga mahihirap ay anak nalang ng anak kahit hindi nila ito kayang buhayin. Sa tulong nito ay magkakaroon sila ng ideya upang masolusyunan ang ganitong problema.

                    Nais din nito na makaligtas ng mga sanggol. Ayon sa WHO, dapat magpalipas ng hindi bababa sa 2 taon mula sa panganganak at sa susunod na pagbubuntis.At ditto nga papasok ang ideya ng Family Planning.

                    Madaming magandang maidudulot ang pagpasa sa RH bill hindi lang sa pagkakaroon ng ideya sa family planning kung hindi sa mga kababaihan din. Nais nitong matulungan ang mga kababaihan upang mailigatas sa kapahamakan dulot ng palaging pagbubuntis. Sinasabi sa WHO o World Health Organization na isa sa mga dahilan ng pagkamatay ng tao lalo na ang mga kababaihan ay sanhi ng palaging pagbubuntis. Mababawasan din ang mga kababaihan na nagkakaroon ng kanser sa cervix na sanhi ng parating pagtatalik.

                Makakaiwas din ang mga kababaihan sa aborsyon. Karamihan sa mga dahilan ng pag-aaborsyon ay disinadya ang pagbubuntis o wala sa plano. Maiiwasan ito kung alam lang ng karamihan ng tao ang Family planning. Kung lahat ng tao ay matuto ng Family planning ay siguradong bababa ang porsyento ng pag-aaborsyo.

               Makakapagbigay din ito sa mga kabataan ng tama at positibong edukasyon sa sekswalidad. Dapat lang na habang bata pa ay nagkakaroon na sila ng ideya kung ano ang mangyayari kung makikipagtalik sila. Maraming kabataang babae at lalaki ang nawawalan ng kinabukasan o maging ng buhay dahil walang maayos ng pag gabay sakanila ng lipunan.

               Hindi nais ng RH bill na kontorlin ang populasyon ng ating bansa. Nais lang nito makapagbigay ng sapat na ideya sa mga mag-asawa at makatulong sa kaligtasan ng mga kababaihan. Ang RH bill ay may malaking maitutulong sa ating bansa.


        

Noon, Ngayon at Bukas


                                          Mabahong singaw ng basura, mabilis na simoy ng hangin, mala dagat na baha ang halos bumura sa Metro Manila, ang mga tao na nag-ala dahon sa pagtangay sa kanila ng hangin ang ating nasubaybayan sa balita. Mahirap o mayaman ay iisa ang sinapit mula sa habagat, na sumira at nagbaon ng kanilang kabahayan sa baha. Nakakatindig balahibo ang ating narinig at nakita sa mga telebisyon tungkol sa paglamon ng lupa sa mga ilang pamilya. Habang tayong mga mapapalad ay nagpapasalamat na lang at hindi natin ito nadanas. 

                                            Kung ating babalikan, Hindi ito ang unang beses na nakaranas tayo ng ganito. Karamihan sa mga tao ay sinasabi nila na mas malala pa ito sa nagyong Ondoy noon. Ngunit kung ako ang tatanungin maaari natin ito masolusyonan kung makikinig lamang tayo sa mga sinasabi ng dalubhasa. Marami satin mga Filipino ang sakit sa ulo pagdating sa mga ganitong problema.

                                                Problema dahil kailangan pa na sapilitan ang pagligtas at pagkuha sakanila ng mga rescuer. Hindi natin sila masisisikung bakit minsan ay ayaw nila pumayag ngunit kung iyong iisipin mas importante ba na mabantayan mo ang iyong bahay kaysa maligtas ang iyong sarili at pamilya?Hindi ka ba magsisisi?

                                              Kasabay ng balitang ito ay mayroon din na naglalabasan tungkol sa kwento sa bibliya. Sinasabi nila na ito ang senyales para ibasura na lang ang RH bill. Ngunit maaari din natin sabihin na senyales ito upang matupad ang RH bill kaya marami sa ating mga kababayan  ang nilamon ng baha upang mabawasan naman ang ating populasyon.
                               
                                         Sa mga nangyaring ito pwede natin sisihin ang ating mga sarili.Bakit? Dahil halos lahat tayo ang may kasalanan sapagkat hindi natin inisip na kahit na maliit na basura lang ang iyong tinapon ay makakalikha ito ng isa malaki at mapanira na problema. May kasabihan nga tayo na " Ang tinapon mo ay siyang babalik sayo."

                              Dapat lang natin tandaaan na tayo mismo ang gumagawa ng ating kapalaran, hawak natin ang susi sa mga problemang tulad nito. Aksyon ang kailangan upang ito ay makamit. Kaya baguhin natin ang noon, gumalaw para sa ngayon at paghandaan ang mga magyayari para bukas.