Ang pelikulang I Do Bidoo Bidoo ay tungkol sa
isang binata na nabuntis ang kanyang kasintahan na pareho pang wala sa tamang
edad. Dahil sa pangayayaring ito ay parehong tutol ang kani-kanilang pamilya.
Sa aking palagay ay ang
pelikulang ito ay may magandang diyalogo. Bakit? Dahil sa istorya ng pelikula
ay makakarelate ang mga manonood. Ginawa nila ang diyalogo base sa nararanasan
ng bawat normal na tao.
Katulad na lang sa sentro ng
pelikula tungkol sa magkasintahan na nagkaroon ng problema dahil sa hindi
magandang pangyayari at yun nga ay nung nabuntis ang dalaga. Sa panahon ngayon
ay madami ang maagang nabubuntis. At isa sa nagiging problema dito ay kung
paano nila ito mareresolba.
Pinakita sa pelikula ang ilang mga problema
na talagang nangyayare sa totoong buhay. Ang una nga ay kung paano mo mabubuhay
ang iyong magiging pamilya kung pareho kayo na wala pa sa tamang edad at
nag-aaral pa lamang. Ito ang unang nangyayare sa mga nakakaranas ng ganitong
problema na naipakita naman ng maayos sa pelikula.
Ang sunod ay kung tama ba na ang kasal ang
maging susi sa ganitong problema. Na-ipakita sa pelikula kung gaano kahirap ang
pag-aasawa at kung gaano hindi kadali na bumuhay basta basta ng isang pamilya.
Ang magandang naging diyalogo sa eksenang ito ay yung “hindi ito parang kanin
na kapag napaso ay pwede mo na lang iluwa” na madalas natin naririnig kapag
tayo ay pinangagaralan tungkol sa pag-aasawa.
At ang huling papasok na problema ay kung
mayroon kayong magkaibang estado sa buhay. Madalas nalang na sinasabi na hindi
bagay ang mahirap sa mayaman. Pinakita sa pelikula na naging sanhi din ito ng
problema. Ang naging dahilan kung bakit tutol ang pamilya nung babae ay dahil
sa tingin nila ay hindi ito makakabuti para sakanya sapagkat sa palagay nila ay
hindi siya kayang buhayin ng kanyang magiging asawa na hindi naman ganoon
na nakagiginhawa sa buhay. Pero sa banadang huli ay pinakita nila hindi
silang kanyang pigilan ng kung ano man. At yung nga ang madalas na magyari sa
totoong buhay kahit ano pang pigil ng mga magulang basta ginusto ng kabataan ay
gagawin nila ito kahit na sa isang malaking pagdedesisyon tulad ng kasal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento