Martes, Oktubre 9, 2012

Bakit dapat ipasa ang RH bill?



             
                         Reproductive health and Population and Development Act of 2010 o mas kilala natin sa tawag na RH Bill. Ano ba ang ibig sabihin ng Reproductive health bill? Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo  para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap.

                  Ang RH bill ay tumutukoy din upang makapagbigay ng sapat na  impormasyon sa mga mag-asawa. Sa akin palagay ay dapat talaga itong mapasa dahil karamihan sa mga mahihirap ay anak nalang ng anak kahit hindi nila ito kayang buhayin. Sa tulong nito ay magkakaroon sila ng ideya upang masolusyunan ang ganitong problema.

                    Nais din nito na makaligtas ng mga sanggol. Ayon sa WHO, dapat magpalipas ng hindi bababa sa 2 taon mula sa panganganak at sa susunod na pagbubuntis.At ditto nga papasok ang ideya ng Family Planning.

                    Madaming magandang maidudulot ang pagpasa sa RH bill hindi lang sa pagkakaroon ng ideya sa family planning kung hindi sa mga kababaihan din. Nais nitong matulungan ang mga kababaihan upang mailigatas sa kapahamakan dulot ng palaging pagbubuntis. Sinasabi sa WHO o World Health Organization na isa sa mga dahilan ng pagkamatay ng tao lalo na ang mga kababaihan ay sanhi ng palaging pagbubuntis. Mababawasan din ang mga kababaihan na nagkakaroon ng kanser sa cervix na sanhi ng parating pagtatalik.

                Makakaiwas din ang mga kababaihan sa aborsyon. Karamihan sa mga dahilan ng pag-aaborsyon ay disinadya ang pagbubuntis o wala sa plano. Maiiwasan ito kung alam lang ng karamihan ng tao ang Family planning. Kung lahat ng tao ay matuto ng Family planning ay siguradong bababa ang porsyento ng pag-aaborsyo.

               Makakapagbigay din ito sa mga kabataan ng tama at positibong edukasyon sa sekswalidad. Dapat lang na habang bata pa ay nagkakaroon na sila ng ideya kung ano ang mangyayari kung makikipagtalik sila. Maraming kabataang babae at lalaki ang nawawalan ng kinabukasan o maging ng buhay dahil walang maayos ng pag gabay sakanila ng lipunan.

               Hindi nais ng RH bill na kontorlin ang populasyon ng ating bansa. Nais lang nito makapagbigay ng sapat na ideya sa mga mag-asawa at makatulong sa kaligtasan ng mga kababaihan. Ang RH bill ay may malaking maitutulong sa ating bansa.


        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento