Martes, Oktubre 9, 2012

Noon, Ngayon at Bukas


                                          Mabahong singaw ng basura, mabilis na simoy ng hangin, mala dagat na baha ang halos bumura sa Metro Manila, ang mga tao na nag-ala dahon sa pagtangay sa kanila ng hangin ang ating nasubaybayan sa balita. Mahirap o mayaman ay iisa ang sinapit mula sa habagat, na sumira at nagbaon ng kanilang kabahayan sa baha. Nakakatindig balahibo ang ating narinig at nakita sa mga telebisyon tungkol sa paglamon ng lupa sa mga ilang pamilya. Habang tayong mga mapapalad ay nagpapasalamat na lang at hindi natin ito nadanas. 

                                            Kung ating babalikan, Hindi ito ang unang beses na nakaranas tayo ng ganito. Karamihan sa mga tao ay sinasabi nila na mas malala pa ito sa nagyong Ondoy noon. Ngunit kung ako ang tatanungin maaari natin ito masolusyonan kung makikinig lamang tayo sa mga sinasabi ng dalubhasa. Marami satin mga Filipino ang sakit sa ulo pagdating sa mga ganitong problema.

                                                Problema dahil kailangan pa na sapilitan ang pagligtas at pagkuha sakanila ng mga rescuer. Hindi natin sila masisisikung bakit minsan ay ayaw nila pumayag ngunit kung iyong iisipin mas importante ba na mabantayan mo ang iyong bahay kaysa maligtas ang iyong sarili at pamilya?Hindi ka ba magsisisi?

                                              Kasabay ng balitang ito ay mayroon din na naglalabasan tungkol sa kwento sa bibliya. Sinasabi nila na ito ang senyales para ibasura na lang ang RH bill. Ngunit maaari din natin sabihin na senyales ito upang matupad ang RH bill kaya marami sa ating mga kababayan  ang nilamon ng baha upang mabawasan naman ang ating populasyon.
                               
                                         Sa mga nangyaring ito pwede natin sisihin ang ating mga sarili.Bakit? Dahil halos lahat tayo ang may kasalanan sapagkat hindi natin inisip na kahit na maliit na basura lang ang iyong tinapon ay makakalikha ito ng isa malaki at mapanira na problema. May kasabihan nga tayo na " Ang tinapon mo ay siyang babalik sayo."

                              Dapat lang natin tandaaan na tayo mismo ang gumagawa ng ating kapalaran, hawak natin ang susi sa mga problemang tulad nito. Aksyon ang kailangan upang ito ay makamit. Kaya baguhin natin ang noon, gumalaw para sa ngayon at paghandaan ang mga magyayari para bukas.
                                                   
                                                

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento